Home » Page 9
Shadows Of Darkness
September 14, 2008…walking alone along the beach,
winds so softly, so calm on my skin,
waves are cheering on the sand - kissing, touching it.
…birds on above are dancing like waves,
and they fly toward the light across the sea,
I can’t follow with them and I’ve tried to hold them,
I was so scared left alone while myfriends off the shore,
the winds so cold and hurts my skin,
sky had darkened and blocked the lights.
It’s the ’shadow of darkness’ invades my brightness
when I am alone and I won’t be alone along the beach.
Million words by Gil Ramas/09/14/08
Upuang Kahoy
September 12, 2008(The Last Part)
“Umulan bigla. Di muna ako umalis…pumatong ako sa upuang kahoy, basa na rin gayaran ng pantalon ko…”
Walang gana sa pagkain. Maraming gabi rin akong ‘di makatulog. Sobra na siguro kung ikwento ko pa ang buhay natin kapag wala tyong trabaho o pinagkukunan ng pang-araw-raw na gastusin. Feel mo na lang yung nararamdaman ko sa ngayon. Yun na yun.
Hapon. Kumakain ako ng itlog na kwek-kwek bay yun? May tinda kasi ang kapatid ko nun sa harap ng bahay nila. May dumating na text message sa CP ko.
“Interesado ka pa ba sa aplay mo sa abroad? Report to me on Monday.” Ayon sa text message. One week na kasi nakalipas. Limot ko na.
Of course naman paspas ako nung lunes. Mas maaga pa ang dating ko. Tatlo pa lang kami sa pila. “Hehehehe, ayos ‘to.” Sabi ko sa sarili ko.
May lalaking lumabas mula sa opis at sabi niya, “hintay lang po kayo at ‘wag umalis sa pila n’yo, darating na si Mr. Peter, may tinatapos lang na interbyu sa kabilang opis.”
Sige, hintay kami. Hintay. Hanggang sa mangawit na mga paa namin sa kahihintay. Yung iba umalis sa pila para siguro mag-inat inat ng konti. Ako naman kumalas din sa pila at naupo sa bangketo sa gilid. Nagsigarilyo. Nakipagchat.
Ayun. Tawag na pangalan ko,
Pasok. Upo. Hinga muna ako ng malalim sabay ngiti. (kelangan nakangiti ka sa harap ng interbyuwir para relax ka at di mahalata na tense ka sa interbyu.
Pre-interview pala yun. OK pasado. Hinga ako ng maluwag. Ok na. wait na lang ng “closing interview’ daw. Balik daw kami ng 3:00 pm.
Lunch na naman. Magkano na lang ba budget ko. Abot pa naman baon ko pati pamasahe pabalik. Pagkakain pahinga. Balik sa upuang kahoy. Inantok na naman ako. (hikab). Nakatulog auli ako kagaya noon. Ayun! Wala na naman ang interbyuwir paggising ko. Tinapik ako ng kasama kong ininterbyu at tinawag daw pangalan ko, akala daw niya e umuwi na ako.
Patay kang bata ka!
Gusto ko sipain yung upuan na yun. Bwisit!!
Umulan bigla. Di muna ako umalis sa gilid na yun kasi may kapirasong bubong. Sa tapat nun dumadaan ang mga pampasaherong dyip pero sa kabilang kalye pa ang sakayan ng dyip pauwi sa amin. Dumidilim na at close na ang opis. Naglabasan na ang mga staff. Tumataas na rin ang tubig sa harapan ko.
Pumatong na ako sa upuang kahoy. Basa na rin ang gayaran ng pantaloon ko.
May huling lumabas mula sa opis ng inaaplayan ko. May bitbit na suitcase. Sa tingin ko ay employer o di kaya’y me ari nung agency. Di rin siya makatawid ng ulan. Umakyat din siya sa tinutuntungan kong upuang kahoy. Muntik pa siyang mahulog buti na lang naagapan ko siya.
Wala siyang kibo at tahimik din ako. Gusto ko itanong kung siya yung interbyuwir. Yung una e kilala ko, pero yung pangalawa e iba raw sabi nung nakausap ko sa loob kanina.
Napansin ko nakasulyap sa mukha ‘tong taong ‘to. Di ko pa rin siya pinansin.
Binuksan niya yung suitcase at may hinugot na papel.
“Ah, ikaw ba ito?” bigla niyang tanong at ipinakita sa akin yung papel.
Resume ko ‘to a, sabi ko sa isip ko.
Oh, yeah, yes…yes! It’s mine.
“e, bakit wala ka sa oras ng interview kanina? Na-late ka ba?” aniya.
“ho? E, ganun na nga ho, sir.” So, siya pala yung pangalawang interbyuwir.
Walang kabug-abog, alam n’yo ba ang sumunod na nangyari?
Bumigay yung upuang kahoy at pareho kami nahulog at naglangoy sa tubig. Hihihihihi!
To end the story, binigyan niya ako ng lista ng mga requirements na dapat kong i-submit for the next day, and then, I am here now in
Anong nangyari dun sa upuang kahoy? Sira na. Gusto ko sanang i-repair at i-display sa museum. Hehehehe.
Thank you for reading my story. May aral ba kayong nakuha?
“when you go for applying a job, you must be alert and smart at all times.” See ya!!
Text Joking Folks
“MAKULIT”
mkulit mAn
“AKO”
mmi2SS m
rn AkO
mgulo mn AkOng
ktxt
mAaaLa2 mO rn AkO
prO
isA Lng Ang ccgurdhin
k SyO…
wLa ng ibng ‘KGAYA KO’
na drating uli sa
bhay mo…
text sender: R C C J ?08
Pinoy, Around The World
September 11, 2008Kumusta sa mga kababayan natin sa ibang bansa.
Ang Pinoy, Bow!
Alam nating lahat na ang pinoy ay nagkalat sa lahat ng sulok ng mundo. Mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na kategorya ng propesyon, turista at OFW. Sabihin nating basta pagkakakitaan sa abroad papasukin ng Pinoy. Sabi nga ng isa nating kababayan, ang layunin ng mga Pinoy sa pangingibang bansa ay halos iisa - kumita at umangat ang level ng pamumuhay.
I agreed to my friend and that is why I am here in Malaysia right now. My second reason is to upgrade my knowledge and working experience and so on. I know na may iba pa ring dahilan ang mga kababayan natin. Marahil ang ilan ay gustong makapamasyal lang, maka-meet ng iba-ibang lahi o makapag-asawa, at marami pang ibang dahilan.
May napansin lang ako. Kakaiba at napataas ang noo ko at halos ngumiti ako nang abot hanggang tenga. Ang galing ng pinoy sa conversation with foreigners. Hindi man tayo “slang” mag-english at minsan kahit ‘barok’ e malinaw at buo. Yun bang madali nila tayong maintindihan.
May mga bansang nakakapit lang sa sarili nilang wika. Na iyon lang ang ginagamit lalo na sa schools at sa mga government transactions. Nung nag-work ako sa Japan, 10 years ago, ako ang nag-aral magsalita ng hapon. Ayon sa kanila, businessman lang ang may karapatang mag-english, at kung sino man sa kanila ang marunong mag-english ay pwedeng makapag-travel sa ibang bansa.
Ngayon, mega high tech na ang communication using wireless, etc. gahol sila ngayon pag-aaral ng english. At this time, naghahabol din ang Malaysia sa pagtuturo ng english sa mga schools, bata o matanda. paborito ngayong tambayan ng mga ‘puti’ at ’middle east people’ ang bansang Malaysia dahil sa maganda ang klema dito. Sabi nga ng isang ‘puti’ na nakausap ko, Malaysians are cool.
Dito ko rin na-meet ang ilang naging kaibigan ko mula sa Nepal, Myanmar (dating Burma), Bangladesh, Sedney, France, Indonesia, Bangkok, Pakistan, Brazil.
Ok, compare sa mga nabanggit ko, marami sa kanila ang hirap makipag communicate sa english, pero pag pinoy ang nagsalita, bravo! Pag nakipag-usap ka sa kanila, ang tanong sa’yo, ‘are you Filipino?’
So, they know right?
Salamat sa teacher ko sa English at sa compact webster ko na lagi kong dala. See ya!!
QUOTE FOR THIS WEEK
September 9, 2008In any moment of decision, the best thing you can do is the right thing. The worst thing you can do is nothing. ~ Theodore Roosevelt










